Nagsanib puwersa na ang Sri Lankan at Indian navies para tuluyang maapula ang sunog sa cargo ship at maiwasan na na magkaroon ng oil spill.
Halos dalawang linggo ng nasusunog ang Singapore-registered X-Press Pearl sa karagatan ng Sri Lanka.
Pinangangambahan ng mga otoridad ang tumagas ang mga ilang toneladang langis kapag ito ay tuluyang lumubog.
Sinabi ni Sri Lanka Navy spokesman Captain Indika Silva, na pinipilit ng mga otoridad na maisalba ang nasabing barko para hindi na tumagas pa ang mga langis.
Inamin ng kumpanya na alam ng mga crew ang nangyayaring leak at una silang tinanggihan ng Qatar at India na umalis bago nangyari ang sunog.
Ikinagalit ng mga residente ng Sri Lanka kung bakit nila pinayagan na makapasok ito sa kanilang karagatan kahit na tinanggihan na ito ng dalawang bansa.
Hawak na ng mga kapulisan ang kapitan ng barko na kasama ng mga crew na nailigtas noong nangnyari ang insidente.
Ang 610 talampakan na barko ay umalis sa India port ng Hazira noong Mayo 15 na may kargang 1,486 na containers ganun din ang nitric acid at ilang mga kemikals at cosmetics.