Nanindigan ang PNP na hindi talaga si Reynaldo De Guzman ang bangkay na narekober sa Gapan,Nueva Ecija.
Ayon sa PNP ang hindi pagiging tuli ng bangkay na nakuha ang isa pang magpapalakas sa paniwala ng Philippine National Police na hinde si alias Kulot ang pinaglalamayan sa Cainta, Rizal.
Sinabi paa ni PNP spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, na hindi tuli ang bangkay na tadtad ng saksak na nakitang nakalutang sa creek sa Gapan.
Batau kasi sa impormasyon na ibinigay ng kapatid ni Reynaldo na tuli na ang 14-anyos na biktima.
Pahayag ni Carlos na malaking inputs sa kaso ang pahayag ng kapatid dahil ang bangkay ay hindi pa tuli ngunit si Reynaldo ay tuli na.
Idinagdag ni Carlos na dapat ipagpatuloy ang pagsisiyasat ng pulis sa naturang bangkay na lumilitaw na hindi si De Guzman, ang hulign kasama umano ni Carl Angelo Arnaiz, na napatay ng mga pulis-Caloocan matapos na manlaban daw at mangholdap ng taxi driver.