-- Advertisements --
Nakatakdang umapela ang consotium na hindi napili sa first stage ng bidding process ng upgrade ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa mga abogado ng Asian Airport Consortium na kanilang iaapela ang kanilang kaso sa Pre Qualification Bids and Awards Committee (PBAC).
Matapos kasi na bumagsak ang nasabing kumpanya sa technical evaluation sa PBAC ay tinanggal na sila sa bidding kahit na may kakayahan silang pinansyal.
Isa sa naging dahilan ng hindi pagkapili sa kanila ay ang mababang revenue offer sa gobyerno na mayroon lamang 75 percent na pumapangalawa lamang sa panalong bidder na mayroong alok na 82.16 percent revenue mula sa NAIA.