-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Inihahanda na ng kampo ni Kalinga Vice Governor James Edubba, natalong gobernador ng Kalinga ang mga affidavits para sa ihahain nilang election protest laban sa nanalong gobernador na si Tabuk City Mayor Ferdinand Tubban.

Sinabi ni Edubba na maaaring sa Huwebes ay maihahain na nila ang nasabing protesta.

Ayon kay Edubba, layunin ng kanilang hakbang na malaman kung ano ang katotohanan sa umano’y iregularidad sa bilangan ng mga boto sa Sucbot, isang barangay sa Pinukpuk, Kalinga.

Kasabay nito, sinabi Edubba na tatanggapin niya ng maluwag anuman ang magiging resulta ng kanyang protesta.

Sampu lang ang lamang ni Tubban kay Edubba.

Alas-3 ng hapon ng Martes ay nanguna pa si Edduba pero matapos ang 30 minuto ay naungusan na siya ni Tubban nang makompleto ang transmission ng mga boto mula sa 250 voting precincts sa probinsiya.