-- Advertisements --
socrates pinol
Board Member Socrates Piñol

KORONADAL CITY – Tinupad ng natalong North Cotabato vice gubernatorial candidate ang kanyang pangako na paglilinis sa mga election paraphernalia kasunod ng pagtatapos ng halalan.

Pinangunahan mismo ni incumbent provincial Board Member Socrates Piñol ang pagtanggal sa kaniyang mga campaign posters, matapos mag-concede sa kaniyang kalaban na si incumbent Governor Emmylou Mendoza.

Pinasalamatan din nito ang kaniyang mahigit 200,000 supporters na bomoto sa kaniya.

Sinabi nitong patuloy ang kaniyang pagsisilbi sa kaniyang makakaya bilang sibilyan kapag tapos na ang kaniyang termino sa Hunyo 30.

Samantala, sinabi naman ni DENR-12 regional director Nilo Tamoria na dapat sundin ng mga politiko ang batas sa proper waste management.

Nanawagan din ito sa mamamayan na i-report sa mga otoridad ang mga election-related littering cases o pagkakalat ng mga basura.