Patuloy pang tumataas ngayon ang halaga ng natatamong pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura ng Caraga at Davao region nang dahil sa pa rin sa epektong dala ng sama ng panahon dulot ng shearline.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumalo na sa kabuuang Php105,160,419 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ang naitatala sa dalawang rehiyon.
Kung saan aabot sa Php78,110,418.6 ang kabuuang halaga pinsala sa agrikultura sa CARAGA at Davao region na katumbas ng 6,375 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Habang umaabot naman sa kabuuang Php27,050,000 naman ang naging pinsala sa imprastraktura sa Davao region na katumbas naman ng 55 imprastrakturang nawasak nang dahil pa rin sa masamang lagay ng panahon.
Samantala, batay pa rin sa talaan ng NDRRMC ay lumalabas din na umabot na sa 569 na kabahayan ang nasira kung saan nasa kabuuang 568 ang naitala mula sa Davao Region habang isa naman sa CARAGA region.