Kinilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang anila’y “remarkable at efficient” na pamumuno ni outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Pinagtibay ng Kamara ang resolusyon na nagbibigay ng komendason kay Arroyo dahil sa mga naiambag nito sa 17th Congress.
Nakasaad sa resolusyon na inihain ni nina Majority Leader Fredenil Castro at Danilo Suarez na sa pamamagitan ng “hard work, efficiency and professionalism” ni Arroyo ay naisulong ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Organic Law for the Bangsamoro Autonous Region in Muslim Mindanao, Philippine Identification System Act; 105-Day Expanded Maternity Leave Law; Universal Health Care Act; Magna Carta of the Poor; Magna Carta of the Poor; at marami pang iba.