Tila nanibago pa si Vice President Kamala Harris sa kaniyang bagong posisyon bilang pangalawang lider sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.
Ito ang dahilan kung bakit natatawa siya nang banggitin ang kaniyang pangalan habang nanunumpa habang nanunumpa sa mga bagong senador sa kanyang bagong tungkulin.
Binasa kasi niya ang pangalan ni Sen. Alex Padilla na siyang nanalo sa iniwan niyang puwesto.
Nagsimula siya sa pagbasa ng ganito “to fill the vacancy created by the resignation of former Sen. Kamala D. Harris of California.”
Dito na siya natawa at nagpalakpakan din ang iba pang mga mambabatas.
“Yeah that was very weird,” ani Harris na naka- COVID-19 mask.
Si Harris, 56, ay dating senador mula sa California.
Siya ang kauna-unahang babae at Black-South Asian na naging bise presidente ng Amerika.
Napag-alaman na hindi muna lilipat sa Vice President’s residence sa Naval Observatory ang bise presidente ayon sa kaniyang aide.
Kinakailangan umanong may gagawing ilang pag-aayos sa bahay kung kaya’t hindi pa ito makalipat.
Tiniyak naman ng kampo ni Harris na iaanunsiyo nila sa mamamayan ng Amerika ang araw ng paglipat nito.