Todo apela ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga shippers at importers na alisin na ang kanilang mga kargamento.
Iniulat ni PPA general manager Jay Santiago na sa nakalipas na dalawang linggo ay aabot na sa 8,000 ang mga nakatengga lamang na mga containers sa Manila International Container Terminal at ilan pang mga pantalan.
Ayon sa PPA nangangamba sila na kapag nagkaroon ng surge ng mga kargamento sa mga darating pang linggo ay baka lalong madiskarel ang port operations bunsod ng napakalaking backlog sa outgoing.
Nilinaw naman ni Santiago na wala nang dapat ipangamba ang mga shippers dahil pinapayagan naman sa mga checkpoints ang mga cargoes.
Karamihan daw sa mga kargamento na hindi naki-claim ay mga medical supplies, mga gamot at pagkain.