-- Advertisements --
image 165

Iaanunsyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mga pangalan ng apat na astronaut sa na lilipad patungo sa palibot ng buwan sa April 2023.

Ayon sa pinuno ng US space agency ito ay tatlong Amerikano at isang Canadian.

Sinabi ng administrator ng National Aeronautics and Space Administration na si Bill Nelson na ang mga tripulante ng misyon na kilala bilang Artemis 2 ay ihahayag sa darating April 3.

Dagdag dito, susubukan nila ang Space Launch System at ang spacecraft na tinatawag na Orion.

Kung matatandaan, ang unang misyon ng Artemis ay natapos noong Disyembre na may isang uncrewed na Orion capsule na ligtas na bumalik sa Earth pagkatapos ng 25 araw na paglalakbay sa paligid ng Buwan.

Ang Artemis 2, na nakatakda na mag-take over sa huling bahagi ng Nobyembre 2024, ay kukuha ng apat na taong tripulante upang magtungo sa paligid ng Buwan.

Una na rito, pinaplano ng National Aeronautics and Space Administration na makapagpadala ng kauna-unahang babaeng astronaut sa buwan.