-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang actress na si Nora Aunor sa edad na 71.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Kristoffer Ian De Leon nitong Abril 16, 2025 kung saan ito ay namayapa sa The Medical City, Pasig City.

Hindi pa binanggit pa ng kaanak nito ang pinakasanhi ng kaniyang kamatayan.

Isinilang ang actress o Nora Cabaltera Villamayor sa tunay na buhay noong Mayo 21, 1953 sa Camarines Sur.

Nagsimula ang career nito ng magkampeon sa Tawag ng Tanghalan noong 1967.

Nagtinda pa ito ng tubig sa stasyon ng tren sa Bicol hanggang naging sikat na mang-aawit.

Ang actress ay tinaguriang nag-iisang superstar ng Philippine entertainment industry at ginawaran siya bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.

Siya rin ang tinaguriang kauna-unahang actress na kayumanggi.

Maraming awards na nakamit nito sa mga pelikula niya gaya sa 19th Cairo International Film Festival noong 1995 sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story”.

Habang ang pelikula niyang “Ang Himala” noong 1982 ay tinagurian bilang CNN APSA Viewers Choice Award ng Best Asia-Pacific Film of all time sa taong 2008.

Itinuturing na siya bilang most nominated actress sa leading sa kasaysayan ng FAMAS Awrds na mayroong 17 beses itong nominado mula pa noong 1973 na pumapangalawa sa namayapang actor na si Eddie Garcia na mayroong 23 nominasyon sa leading at supporting role.

Taong 1991 ng maging FAMAS Hall of FAMAS na siya ng pang-anim na kasama sina Eddie Garcia, Joseph Estrada, Charito Solis, Fernando Poe Jr at Vilma Santos.

Habang sa Gawad Urian ay mayroong itong 21 nominasyon kung saan pito dito ay kaniyang napanalunan habang sa Metro Manila Film Festival ay nagwagi siya ng walong best actress trophies na mayroong 13 nominasyon sa limang panalo.

Siya lamang ang nagwagi ng best actress awards sa tatlong sunod na taon ng Film Academy of the Philippines.

Ang actress din ang tanging mayroong pinakamaraming international best actress awards at nominasyon.

Siya ang natatanging actress ng Pilipinas na nagwagi ng mga international awards sa limang iba’t-ibang kontinente na kinabibilangan ng : 19th Cairo International Film Festival in 1995 (Africa), 1st East Asia Film and Television Award in 1997, Asian Film Awards in 2013 and 3rd Sakhalin International Film Festival (Asia), 31st Festival International du Film Indépendant de Bruxelles in 2004, Premio Della Critica Indipendiente in 2013 and St. Tropez International Film festival in 2015 (Europe), Asia Pacific Screen Award in 2013 (Australia) at Green Planet Movie Award (North America).

Noong Hunyo 10, 2022 ng ginawaran siya ng Order of National Artist ng bansa.