-- Advertisements --

National assets, nakahanda sakaling kaylangan ng augmentation support ng Albay para sa Mayon evacuees
Unread post by news.legazpi » Mon Aug 14, 2023 11:16 am

LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa mahigit P323 million ang kabuang cost of assistance sa mga residente na apektado ng mahigit dalawang buwan na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Office of the Civil Defence Bicol Spokesperson Gremil Naz sa panayam ng Bombo Raydo Legazpi, mula ang naturang halaga sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga local government units, non-government organizations, stakeholders at mga pribadong indibidwal.

Siniguro ng opisyal na hanggang may mga pamilya na nananatili sa mga evacuation centers ay hindi titigil ang pamahalaan sa paghahatid ng pangangailangan ng mga ito.

Batay sa pinakahuling tala ay nasa 5, 789 pamilya pa ang nasa evacuation centers sa kasalukuyan.

Samantala, sinabi ni Naz na nananatili rin na naka-monitor sa sitwasyon ng Albay ang National Disaster Risk Reduction and Manangement Council.

Ayon sa opisyal na nakahanda ang mga national assets upang i-augment sa lalawigan kung sakaling mangyayari ang worst case scenario.