-- Advertisements --

Nakapag-uwi lamang ng bronze medal ang men’s and women’s bowling team ng bansa sa IBF Super World Championship sa Dubai, United Arab Emirates.

Hindi kasi nagtagumpay sa semifinals sina Patrick Nuqui, Merwin Tan, Ken Chua at Ian Dychangco sa men’s competitions ng talunin sila ng Singapore 247-228.

Maging ang women’s division na binubuo nina Rachelle Leon, Mades Arles, Uella Marcial at Norel Nuevo ay nabigo sa Malaysia sa semifinal rounds.

Bagamat talo ay itinuturing na rin ni national coach Biboy Rivera ang bronze medal bilang isang gintong medalya.

Pinuri nito ang ginawang pagsisikap ng koponan lalo ngayong malaking hamon ang pandemya.