Sumailalim sa surprise drug test ang National Capital Region Police Office ngayong araw sa lahat ng mga koronel at heneral nito sa pangunguna mismo ng hepe nito na si P/MGen Jonnel Estomo.
Ayon kay P/MGen Estomo, lahat ng high ranking officials ng NCRPO na may kabuuang bilang na 67 kabilang na ang mga police district directors sa buong Metro Manila ang lumagda sa courtsey resignation at kasunod nito ay agad silang sumailalim sa mandatory drug test.
Ngunit paglilinaw ni Estomo, ang surprise drug test na ginawa ngayong araw sa lahat ng matataas na opsiyal ng kanilang hanay ay hindi ipinag-utos ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. kundi ito ay kaniya aniyang personal na inisyatiba.
Samantala, bukod dito ay nagsagawa rin ng sympathy walk ang nasabing mga opisyal ng NCRPO na layong ipakita na seryoso sila sa kanilang buong suporta sa apela ng Department of the Interior and Local Government na linisin ang buong hanay ng Pambansang Pulisya.