-- Advertisements --
image 442

Todo ngayon ang paghahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng seguridad sa darating na Semana Santa.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Lt. Col. Luisito Andaya, nasa 4,690 na pulis ang kanilang ide-deploy sa buong National Captial Region mula April 6 hangang April 9.

Ang mga pulis ay ipapakalat sa 300 simabahan sa buong Metro Manila para matiyak ang seguridad ng mga deboto sa darating na Holy Week.

Dagdag pa ni Andaya na isa rin sa kanilang tututukan ang mga transport terminal, pantalan at iba pang pampublikong lugar.

Muli namang siniguro ng National Capital Region Police Office sa publiko na mananatiling naka-alerto ang kanilang hanay para sa pangkalahatang seguridad sa buong Metro Manila.