Iaapela ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-disqualify sa bansa sa 2021 FIDE Online Olympiad dahil umano sa paglabag sa patakaran ng laro.
Kasunod ito sa pagkakadiskubre na isang manlalaro nito ang lumabag umano sa “fair play” kaya ang buong koponan ay na-disqualified.
Nasa pangalawang overall kasi ang Pilipinas sa Pool A na pinangungunahan ng Indonesia.
Ang Top 3 finishers sa mga pool ay aabanse sa Top Division.
Dahil sa pagkaka-disqualify ng Pilipinas ay pasok na sa Top Division ang team mula sa Shenzhen, China at Australia.
Sinabi naman ni Grandmaster Jayson Gonzales ang chief operating officer and delegation head na dapat hindi buong koponan ang dinis-qualify at ang tanging manlalaro lamang ang kanilang naitsapuwera.