VIGAN CITY – Isasagawa sa lalawigan ng Ilocos Sur ang isa sa mga highlights ng Miss Universe Philippines ang National Costume Presentation.
Tatlong put dalawang naggagandahang kandidata mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang rarampa sa kilalang Calle Crisologo para sa nasabing presentasyon sa ganap na alas otso ng gabi.
Bago ang isasagawang National Costume Presentation tatlong araw ng nasa lalawigan ang mga kandidata para ipromote ang iba’t-ibang tourist spot sa lalawigan.
Masayang nagtungo ang mga ito sa Baluarte Zoo na pagmamay-ari ni LMP President at Narvacan Mayor Luis Chavit Singson, Pinakbet Farm, Calle Crisologo, Bantay Bell Tower at iba pa.
Gaganapin ang prestihiyosong koronasyon ng Miss Universe Philippine sa Abril 27 sa The Cove Manila.