Pinag-aaralan ng National COVID-19 task force na isara ang mga sementeryo sa darating na undas para hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Sinabi ni National Task Force COVID-19 spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na malaki ang posibilidad na isara ang mga sementeryo para maiwasan ang mga pagtitipon-tipon ng mga tao.
Pinayuhan na lamang nito ang mga mamamayan na bumisita na lamang ng mas maaga sa mga sementeryo para maiwasan pakikipagsiksikan.
Nauna rito pinirmahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order 38 na nag-aatas ng temporaryong pagsasara ng lahat ng mga pampubliko at pribadong sementeryo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 para maiwasan ang pagdami ng kaso ng coronavirus.
Inatasan nito ang Manila Police District, city health department at ilang mga opisina na tiyakin na maipapatupad ang nasabing kautusan.
Mayroong 105,837 ang nakalibing sa Manila North Cemetery kung saan taon-taon ay aabot sa 1.5 million katao ang bumibisita sa lugar habang mayroong 39,228 na mga puntod ang nasa Manila South Cemetery kung saan binibisita ito ng mahigit 800,000 katao kada undas.