Nakatakdang umuwi ngayong gabi ng Sabado, Pebrero 15 ang men’s national curling team.
Ito ay matapos na maibulsa nila ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa dinaluhan nilang 2025 Asian Winter Games sa China.
Ang men’s curling team ay binubuo nina: Marc Angelo Pfister, Enrico Gabriel Pfister, Christian Patrick Haller, Alan Beat Frei, at Curling Winter Sports Association of the Philippines president Benjo Delarmente.
Naging matagumpay ang national team ng talunin nila sa finals ang South Korea sa score na 5-3.
Ayon sa Philippine Sports Commission na dakong 10:30 ng gabi sa Sabado ang pagdating ng national team.
Sila ay sasalubungin nina PSC chair Richard Bachmann, Commissioner Bong Coo, at Executive Director Paulo Francisco Tatad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.