Tiniyak ngayong ng National Electrification Administration (NEA) na magdodoble kayod ang mga ito para maisakatuparan ang kanilang target na maabot ang 100 percent na electrification sa bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay National Electrification Administration Administrator Antonio Mariano Almeda, titiyakin nilang bago matapos ang 2028 ay mayroon ng suplay ng kuryente sa mga liblib na lugar.
Maliban dito, titiyakin din umano ng kanyang administrasyon na magagamit ang Sitio Electrification Program funds.
Iginiit nitong ang kanyang pamumuno ay laging nakasunod sa prinsipyo ng good governance.
Tutulong din umano ang National Electrification Administration sa pag-facilitate sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11646 o ang Microgrid Systems Act.
Layon ng naturang batas na mapabilis ang total electrification at masiguro ang provision ng quality, reliable at secure electricity service sa mga unserved at underserved areas.
Dagdag, niya malaking papel din umano ang gagampanan ng ahensiya sa pagtugon sa power rate hikes.
Magiging matibay din umano ng ahensiya sa pagpapalago sa embedded renewable energy supply sa mga electric cooperatives.
Prayoridad din umano sa ngayon ng ahensiya ang restructuring sa ahensiya para makasabay sa nagbabagong kondisyon ng industriya.