Inilabas na ng Philippine Football Federation (PFF) ang mga bagong mukha ng national futsal team.
Itinalaga rin ng PFF si Spanish coach Rafa Merino Rodriguez na siyang mamumuno sa koponan para sa AFC Women’s Asian Cup 2025 Qualifiers na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Enero 11 hanggang 19.
Isinagawa ang anunsiyo ilang araw bago ang kanilang apat na araw na training camp.
Ang 12 sa 14 na mga manlalaro ay mula sa dating lineup ng ASEAN Women’s Futsal Championship noong Nobyembre.
Ilan sa mga dito ay kinabibilangan nina sabella Bandoja, Cathrine Graversen, Alisha del Campo, Samatha Hughes, Vrendelle Nuera, Regine Rebosura, at Kayla Santiago.
Naniniwala si Rodriguez na mayroong siyang malakas na koponan at kanilang paghahandaang mabuti ang nasabing torneo.
Unang makakaharap ng Pilipinas ang Kuwait sa Group C bago ang host country ng Uzbekistan at Turkmenistan.
Inaasahan nila na magiging maganda ang laban nila sa Australia sa darating na Enero 19.