CEBU – Nakipagpulong ang mga opisyal ng Cebu Provincial Capitol sa mga provincial at regional director ng mga national government agencies upang ipaalam sa kanila ang Cebu Provincial Ordinance 2023-02 na nagpapatupad ng mga probisyon ng Republic Act No. 7160 kasama ang mga local government units at iba pa, una sila gumawa ng kahit anumang programa o proyekto.
Una rito ay nilagdaan ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ang batas panlalawigan na nag-aatas ngayon sa mga national government agencies at government-owned and controlled corporations nga kumunsulta, makipag-ugnayan at kumuha ng paunang pag-apruba ng Kapitolyo bago nila maipatupad ang anumang programa o proyekto sa lalawigan ng Cebu.
Gayunpaman, wala sa ordinansa na hindi pa nakasaad sa RA 7160 o ang Local Government Code of 1991.
Pinapatibay lamang nito ang mga probisyon na nakapaloob sa Local Government Code of 1991 na nag-utos sa mga national government agencies at ng mga government-owned and controlled corporations na makipag-ugnayan, sumangguni, at maisangkot ang lalawigan sa pagpa-plano at pagpapatupad ng kanilang mga programa at proyekto sa Cebu.
Epektibo ang nasabing ordinansa ngayong araw, Abril 27 ngunit hindi ipapatupad ang penal clause nito maliban na lang kung may maibalangkas ng implementing rules and regulations o IRR.