-- Advertisements --
Mayroong sapat na pondo pa ang gobyerno para sa pagtulong sa mga nasalanta ng mga magkakasunod na bagyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado, na walang dapat ikabahala ang mga apektado ng bagyo dahil gumagawa ng paraan ang gobyerno para sila ay tulungan.
Nagdagdag pa aniya sila ng pondo para lalong dumami ang kanilang matulungan.
Wala na aniyang poproblemahin ang mga bayan naapektuhan dahil direktang ipapamahagi ng national government ang nabanggit na tulong.