Nagdagdag ang gobyerno ng 10 mga lungsod sa kanilang vaccine priority lists dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque kinabibilangan ito ng Bacolod City, Iloilo City, Cagayan de Oro City, Baguio City, Zamboanga City, Dumaguete City, Tuguegarao City, General Santos City, Naga City at Legazpi City.
Ang nasabing mga lugar ay idinagdag sa mga naunang tinaguriang prayoridad na gobyerno na kinabibilangan ng Metro Manila, Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.
Paliwanag ni Roque na dahil sa mataas na kontribusyon ng mga nabanggit na lugar sa ekonomiya at ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay nararapat na isama ang mga ito sa priority list.
Paliwanag pa nito na mahalaga na mapigil ang nasabing pagkalat ng virus kaya dapat na maprayoridad ang mga ito.