-- Advertisements --
Matapos na alisin ng Korte Suprema ang Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao, siniguro ngayon ng Department of Budget and Management na makatatanggap ito ng na tulong mula sa national govrnment .
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, aalalayan ng gobyerno ang naturang lalawigan para makatayo itong muli sa sariling paa.
Gagawin rin aniya ng national government ang lahat para matulungan ang Sulu sa kanilang mga serbisyo at pagpapatupad ng proyekto.
Hindi pa naglalabas ng huli at pinal na hatol ang SC hinggil sa pagtatanggal nito sa Sulu bilang bahagi ng BARMM.
Sa kabila ng naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, tuloy naman ang sweldo ng mga empleyado ng Sulu Province.