Bantay sarado ng national guard ang estado ng Georgia kung saan isinasagawa ang runoff election.
Ang nasabing eleciton ay dito malalaman kung anong partido ang magkokontrol sa senado.
Malalaman sa resulta ng halalan kung mananatili pa rin sa posisyon sina Republicans Senator Kelly Loeffler at David Perdue laban sa mga Democratic challenger na sina Jon Ossof at Rev. Raphael Warnock.
Ilang araw bago halalan ay nagkampanya na sina President-elect Joe Biden sa Atlanta habang nasa Savannah si Kamala Harris.
Sa naging talumpati ni Biden sinabi nito na sakaling manalo sina Ossof at Warnock ay makukuha ng mga residente $2,000 na stimulus payments na naunang ibinasura ni Senate Majority Leader MItch McConnel, isang Republican mula sa Kentucky na nagtataas mula sa dating $600 na panukala.
Magiging susi aniya sina Ossoff at Warnock na pondohan ng kongreso ang COVID-19 vaccine.