-- Advertisements --

Nagpakalat ng nasa 125 Naitonal Guard sa Kenosha, Wisconsin dahil sa inaasahang pagsiklab ng kilos protesta.

Ito ay matapos ang pamamaril ng isang pulis sa likurang ng isang Black American na sinaksihan mismo ng tatlong anak ng biktima.

Itinakbo pa sa pagamutan ang 29-anyos na si Jacob Blake subalit ito ay nasawi.

Natamaan din ng ligaw na bala ang anak nito at ito ay nagpapagaling pa sa pagamutan.

Sa kumalat na video sa social media, bumaba ang biktima sa kaniyang SUV ng sundan ito ng dalawang pulis at pinagbabaril.

Maririnig sa lugar ang pitong putok ng baril.

Nagsasagawa na ng mga otoridada sa nasabing insidente.