-- Advertisements --

Mariing kinokondena at binabale-wala ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang kamakailang pag-aangkin ng China sa Isla ng Palawan.

Ang mga pahayag na ito ay kumalat sa isang post sa social media na naglalaman ng impormasyon sa Weibo gaming at iba pang mga Chinese social media platforms.

Ayon sa post, inaangkin ng China na dating sakanila ang Isla ng Palawan at pinamahalaan aniya nila ito sa loob ng isang libong taon.

Idinagdag din sa post na ang Pilipinas ay walang karapatan sa isla at tinawag pa itong ”Zheng He Island,” mula sa pangalan ng kilalang Chinese explorer.

Photo by: NHCP @NationalHistoricalCommissionofthePhilippines /FB

Gayunpaman, binigyang-diin ng NHCP na ang naturang exploration ay hindi nangangahulugang pag-aari na ito ng China. Walang ebidensiya din ang nagsasabing permanenteng nanirahan ang mga Tsino sa Palawan,—isang lugar na tinatayang tinitirhan na ng mga tao sa loob ng 50,000 taon ayon sa mga ebidensiyang mayroon ang archaeologist.

‘Wala rin aniyang mapakitang mga dokumento na nagpapatunay ng pinarirahan ang Palawan ng mga Tsino.

Dagdag pa komisyon simula noong 1521, ayon sa ulat ni Antonio Pigafetta, isang Italyanong manlalakbay na kasama sa unang nag-ikot ng mundo. Ang Palawan aniya ay tinitirhan ng mga komunidad na may katulad sa kultura nang iba pang bahagi ng probinsya ng Pilipinas.

Sa katunayan, ang pinuno ng ekspedisyon ay gumawa pa raw ng isang blood compact sa pinuno ng komunidad noon sa kasalukuyang Sitio Tagusao Brooke’s Point, Palawan na kinikilala naman ng NHCP.

Sa mga nakaraang taon, ang historical maps mula sa mga European noong 1500s hanggang 1800s ay kinikilala ang Isla ng Palawan bilang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas, na pinamamahalaan ng Sultanate ng Sulu at ng Spanish Captain-Generalcy ng Pilipinas.

Dagdag pa ng NHCP na ang 1898 Treaty of Paris, na binago ng 1900 Treaty of Washington, ay malinaw aniya na nagtukoy ng mga hangganan ng teritoryo ng Republika ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Samantala nanindigan ang NHCP sa posisyon ng Pamahalaan ng Pilipinas na ‘wala ni isang pulgada ng teritoryo aniya ng Pilipinas ang maaaring ibenta o angkinin ng anumang bansa na nagpapanggap na kaibigan natin.