-- Advertisements --

Pinatawan ng isang taon na suspensiyon ng Hockey Australia ang field hockey player ng kanilang bansa na si Tom Craig.

Kasunod ito sa iskandalong kinaharap niya noong Paris Olympics dahil sa pagtatangkang bumili umano ng cocaine.

Naging epektibo ang nasabing suspension noong Setyembre 9.

Bukod pa dito ay kailangang makumpleto ni Craig ang mandatory training at education programs.

Habang ito ay suspendido ay pinagbabawalan siyang makapaglaro sa anumang kompetisyon na sanctions ng Hockey Australia.

Magugunitang inaresto si Craig sa Parsi dahil sa tangka nitong pagbili ng nasabing droga kung saan binigyan lamang siya ng pagbabala ng mga prosecutors sa Paris.