Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority at Department of Social Welfare and Development na ipagpapatuloy nila ang National ID authentication services para sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General ang desisyong ito ay resulta ng ginawang meeting ng PSA at DSWD kahapon.
Ayon sa opisyal, lahat ng mga miyembro ng 4Ps sa bansa ay sasailalim identity verification.
Ito ay sa pamamagitan ng scanning procedure ng kanilang mga fingerprint upang tumugma sa kanilang National ID registry.
Batay sa datos ng PSA, as of June 14, 2024, pumalo na sa 2,00,059 4Ps beneficiaries ang matagumpay na na-authenticate gamit lamang ang National ID.