-- Advertisements --
image 508

Posible ang database ng National ID ang susi sa pagtugon sa mga aberyang nararanasan sa SIM Registration ayon sa Department of Information and Communications Technology.

Ito ang ipinunto ni DICT Sec. Ivan John Uy sa kaniyang pagharap sa Senado para sa pagdinig ng 2024 budget ng kanilang kagawaran.

Paliwanag ng kalihim, sa pamamagitan kasi ng National ID, bilang basis ay maaaring mas mapa-improve pa ng kanilang kagawaran ang SIM Registration.

Aniya, ang registration ng biometrics ng nasa 80 hanggang 90 million na mga Pilipino sa National ID system ay tiyak na makakatulong upang mas mapabuti pa ang validation process ng SIM Registration system.

Samantala, bukod dito ay inirekomenda rin ng DICT sa mga telecommunications company na magbigay ng listahan ng mga kahina-hinalang mga subscribers, partikular na sa mga nag-avail ng pre-paid subscriptions na gumamit ng mga barangay ID at Tax Identification Numbers sa pagpaparehistro.