-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Maagang pumila si Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman, Jr. upang saksihan at makaparehistro sa National ID System.

Ayon sa PSA, isasagawa ang kahalintulad na pagpaparehistro sa mga barangay, inuna lamang pansamantala ang mga opisinang nasa loob ng municipal compound.

Magpapalabas lamang umano ang tanggapan ng listahan kung kelan ang schedule ng mga barangay.

Samantala, hinikayat ni Mayor Guzman ang publiko na tangkilikin ang naasabing programa ng gobyerno.