-- Advertisements --

Magpapahiram ang National Irrigation Administration (NIA) ng centrifugal pumps para sa mga magsasakang apektado ng nagdaang bagyo para sa kanilang irrigation system bilang paghahanda sa posibilidad na food shortage dahil maraming pananim ang napinsala sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay NIA Administrator Benny Antiporda, mas mura ang naturang kagamitan at makakapagbenepisyo pa ng marami sa mga irrigable lands.

Dagdag pa dito, ang isang centrifugal pump ay nagkakahalaga ng P100,000 hanggang P120,000 at kayang ma-irrigate ang tatlo hanggang limang ektarya ng lupa.

Una rito, base sa latest data mula sa DA, umabot na sa P1.97 billion na ang halaga ng pinsala at nawala sa sektor ng agrikultura.

Saklaw dito ang mga agricultural areas sa Cordillera Administrative Region (CAR), the Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region.

Top