-- Advertisements --
Naniniwala si National Maritime Council (NMC) Spokesperson retired Vice Admiral Alexander Lopez na napapanahon na para muling pag aralan ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang binigyang-diin ni Lopez matapos sabihin na 1951 pa ng mabuo ang MDT.
Binigyang-diin ni Lopez na marami na aniyang nabago sa strategic landscape ng bansa kaya kailangan na aniyang mapag aralan kung papano makapag aadapt ang MDT sa mga bagong hamon sa seguridad ng bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Lopez na makabubuting ipaubaya sa Department of National Defense ang mga detalye kung papano ito gagawin.
Dagdag pa ni Lopez, nasa work in progress naman ito dahil kailangan kasi aniyang dumaan muna ito sa proseso.