Lalo pang hinigpitan ng National Meat Inspection Service ang isinasagawa nitong inspeksyon sa mga baboy sa Batangas.
Ito ay dahil na rin sa banta ng African Swine Fever na lumalaganap ngayon sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni NMIS-NCR Regional Technical Director Dr. Jocelyn Salvador, ang kanilang hakbang ay makatutulong upang mapigilan na makalusot ang mga baboy na infected ng ASF.
Wala rin patid ang kanilang isinasagawang accreditation, registration at maging ang pagsasagawa ng “surveillance audit” sa mga planta ng mga kareng baboy.
Binabantayan rin ng ahensya ang mga slaughterhouse, cold storage facilities, meat cutting, at meat distribution centers para matiyak ang food safety.
Inatasan na rin ni Dr. Salvador, ang kanilang mga tauhan na maging alerto sa lahat ng oras.