Inanunsyo ng National Museum of the Philippines na araw-araw nang bukas at may operasyon ang mga museyo simula ngayong 2025 para sa mga nais bumisita dito.
Ayon sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng National Museum sa isa sa kanilang mga social media accounts, araw-araw na bukas ang kanilang Central Complex sa Maynila at mga Regional Component Museums sa buong bansa simula ngayong taon.
Layunin kasi ng ahensya na makapagbigay ng malawak na oportunidad at kaalaman sa publiko hinggil sa mga nilalaman ng kasaysayan ng bansa at ang pinagmulan nito.
Ito rin ay para masiguro na mas maraming mga pilipino ang makikinabang sa mga programa at serbisyo ng naturang ahensya.
Samantala, dahil sa anunsyong ito ay inaasahan ng kanilang pamunuan na mas marami ang ma-e-engganyo na pumunta at bumisita sa mga museyo at galleries ngayong taon.