-- Advertisements --

Isasara sa publiko simula ngayong Marso 13, 2020 ang National Museum of the Philippines dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa inilabas na kalatas, na kabilang na isasara ang lahat ng mga National Museum sa buong bansa.

National Museum

Lahat din ng mga nakatakdang aktibidad ay ipinagpaliban na rin.

Ang nasabing pagsasara ay isinagawa matapos ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalagay sa community quarantine ang Metro Manila simula Marso 15 hanggang Abril 14.