-- Advertisements --
image 143

Inihayag ng mataas na opisyal na kulang sa bilang na humigit-kumulang 50,000 police personnel ang National Police Commission (NAPOLCOM).

Ayon sa pahayag sa senado ni National Police Commission vice chairperson at executive officer Alberto Bernardo, mayroon silang 129,000 manning position para sa patrolmen at patrolwomen ngunit ang kasalukuyang bilang ng nasa nasabing posisyon ay nasa 71,000 lamang.

Kaya aniya, nais nila itong idulog sa technical working group dahil kulang ang komisyon ng 50,000 na policemen at policewomen.

Dagdag dito, kinonsulta ng National Police Commission ang Philippine National Police at Department of Budget and Management at napag-alaman na kulang ang budget para sa pagdadagdag ng mga position.

Giit ni Bernardo, na kailangang magkaroon ng additional fund upang makapag-hire ng 50,000 pang mga personnel.

Una nang inihayag ng Department of Budget and Management na ang funding requirements ay dapat na inihain noong budget preparation ng naturang ahensya.