-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Tahasang pinangalanan ng National Press Club (NPC) ang mga grupo ng media sa bansa na tumatanggap umano ng pera kapalit ng kanilang paninira sa pamahalaan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inisa-isa ni Paul Gutierrez, Vice President ng National Press Club (NPC) ang mga ito na kinabibilangang ng Vera Files, Rappler, National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) at Center for Media Freedom and Responsibility.

Giit nito na malinaw ang ebidensiya na tumatanggap ang mga ito ng milyon-milyong halaga ng pera mula sa mga dayuhan lalo na sa Central Intelligence Agency (CIA) sa Estados Unidos.

Samantala, inihayag pa ni Gutierrez, na maituturing nalamang na incidental ang paglabas ng mga pangalan ng mga ito sa “Oust Duterte Matrix” dahil ang pagtanggap umano nila ng pera mula sa CIA ay nagagamit sa destabilization ng pamahalaan.