-- Advertisements --
Inaprubahan ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day.
Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism.
Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din ang nag-abstain.
Sa nasabing panukalang batas ay nag-aatas sa Department of Educataion (DepEd) , Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magkonsulta sa office of the President para makapag-organisa ng mga aktibidad na lumalaban sa anumang karahasan laban sa mga mamamahayag.