Binalaan ng National Privacy Commission (NPC) ang mga online lending operators na lumalabag sa data privacy laws.
Sinabi ni NPC commissioner Raymund Liboro, na maaaring maharap sa multa at pagkakakulong ang mga may-ari ng online lending company sa ginagawa nilang pagpapahiya sa mga hindi agad nakakapagbayad ng utang.
Tinutukoy ni Liboro ang mga reklamong ipinarating sa kaniyang opisina na pinapahiya ng ilang mga online lending company sa pamamagitan ng text messaging at sa social media ang mga taong naaantala ng kanilang bayarin.
Titignan dito ng NPC kung paano na-access ng online lending companies ang mga contact details ng mga biktima.
Magugunitang mahigit 600 mga complainants ang nagreklamo sa ilang lending companies matapos na sila ay pahiyain sa social media matapos na maantala ng ilang araw sa pagbabayad ng kanilang inutang.