Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si National Prosecution Service (NPS) Benedicto Malcontento.
Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagbibiitw ni Malcontento.
Personal na ipinaabot ni Malcontento ang kaniyang resignation letter kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nakasaad sa sulat nito na nagpapasalamat siya sa limang taon na pagtatrabaho sa NPS sa ilalim ng DOJ.
Nais lamang nitong ituon ang atensyon niya sa ibang mga gawain matapos ang pagtatrabaho sa gobyerno.
Itinalaga si Malconteno noong June 2019 sa panahon pa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang trabaho ng NPS ay siyang nagsasagawa ng preliminary investigation at prosecution sa lahat ng mga kaso na may kinalaman sa paglabag ng mga penal laws sa bansa.