Inatasan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lahat ng prosecutors ng gobyerno na gumawa ng mga legal na hakbang upang tuluyang maihabla ang mga opisyal na nasa likod ng Abra Mining.
Kaugnay pa rin ito sa isinampang kaso ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa DOJ.
Kung maaalala, nasangkot ang naturang kumpyana sa mga kaso ng fraudulent trading of shares mula noong 2015 hanggang 2019.
May 3 ng kasalukuyang taon, naghain ang SEC ng 441 counts ng paglabag sa Securities Regulation Code.
Kabilang sa kanilang inihain laban sa kumpanya ay mga paglabag sa Revised Corporation Code.
Nagsampa rin sila ng civil and criminal forfeiture.
Layon ng hakbang na ito na hindi mapakialaman ang mga ari-arian ng mga akusado alinsunod na rin sa Anti Money Laundering Act.
Kabilang sa mga akusado ay sina James Beloy, ang tumatayong presidente ng kompanya, at iba pang corporate official.