Binigyang linaw ng National Security Council na ang mga karagdagang EDCA sites ay hindi para sa offensive operation laban sa China o para makialam sa isyu kaugnay ng Taiwan.
Ang tanging layunin lang nito ay maprotektahan ang territorial intergrity ng bansa.
Samantala, ang kaligtasan ng 150,000 na Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho raw sa Taiwan ay nais lamang masiguro ng ahensya.
“The Philippines observes the One China Policy and maintains the ASEAN principle of non-interference in approaching regional issues. We reiterate that our primordial concern in Taiwan is the safety and wellbeing of the Filipinos living and working on the island,” ayon naman kay DND spokesperson Arsenio Andolong.
Sa ibang pahayag naman sinabi ng National Security Council na ang pagpili sa EDCA sites raw ay nakabase sa Strategic Basing Plan ng Armed Forces of the Philippines at hindi ito mula sa dikta ng United States.
Itong mas pinalalakas na ugnayan ng US at Pilipinas ay naglalayong makatulong sa pagdevelop ng kapasidad ng AFP na maprotektahan ng teritoryo ng bansa.
Ang prioridad lamang umano ng Pilipinas ay ang mas paigtingin ang defense capability, magkaroon ng advance na kagamitan at maisaayos ang mga imprastraktura.