Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adoption ng anim na taong National Security Policy mula 2023 hanggang 2028 na epektibong makakatugon aniya sa mga hamon sa seguridad sa bansa alinsunod sa kaniyang layunin na matiyak ang seguridad at katatagan ng bansa.
Sa 2 pahinang Executive Order No. 37 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ipinag-utos ni PBBM sa lahat ng ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na i-adopt ang naturang polisiya sa pagbuo at pagpapatupad ng kanilang mga estratehiya at programa may kinalaman sa seguridad.
Kabilang sa National Security Policy ang strategy policy goals at objectives ng administrasyon na upang masiguro ang kapakanan ng mga Pilipino gayundin para maproteksyunan ang soberanya at integridad ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon naman sa Presidential Communications Office, binalangkas ang NSP 2023-2028 sa pakikipag konsulta na rin sa iba’t ibang stakeholders at mga ahensya ng gobyerno ng may iisang hangarin ang mapag-ibayo pa ang pamamahala sa security sector.