-- Advertisements --

Idineklara ni Pope Francis bilang minor basilica ang National Shrine of Mary Help of Christians sa lungsod ng Paranaque.

Ang pagiging minor basilica ay nalalaman sa pamamagitanng special na koneksyon ng Santo Papa at ang Simbahan sa Roma.

Dahil sa pagiging minor basilica ay maaari na nilang gamitin ang crossed “papal keys” sa mga banners at mga signs.

Ang National Shrine of Mary Help of Christians ay siyang unang minor basilica sa 22-taon ng Diocese ng Paranaque.

Sa nasabing simbahan din ay makikita ang century-old na imahe ng Mary Help of Christian na nakatanggap ng canonical coronation noong 2022.