Nakatakdang ipagpatuloy ngayong araw ng Supreme Court (SC) ang ikalawang araw ng national summit para mapalakas pa ang suporta para sa Shari’ah justice system sa bansa at matugunan ang mga isyu na may kaugnayan dito.
Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa 1st National Shari’ah Summit na isinagawa sa Cagayan De Oro City, na isa itong constitutional duty kung hindi naman ay moral obligation na i-promote ang inclusive legal environment na walang kinikilingan laban sa lahat ng genders, social sectors, religious belief at political persuasion.
Sinabi ni Gesmundo na kabilang daw sa mga concerns na natalakay sa pagpupulong kasama ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ay ang posibilidad na paglikha ng Shari’ah courts sa mga lugar sa labas ng Mindanao.
Kabilang din dito ang appointment ng mga huwes sa mga bakanteng vacant Shari’ah courts, ang paglikha ng Integrated Shari’ah Bar of the Philippines at ang inclusion ng Shari’ah blang kurso sa mga law school.
Kaya naman, ipinunto ng Chief Justice ang kahalagahan ng pagtutulungan ng tatlong sangay ng gobyerno hindi lamang ng hudikatura para gawin itong posible.
Ang pagpapatibay ng Shari’ah justice system ay bahagi rin umano ng judicial reform program Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) 2022-2027.
Layon nitong ma-establish ang bagong frameworks at i-adopt ang bagong mga approaches.
Ang Shari’ah ay isang batas ng mga Muslim na tumutukoy sa mga ordinansa at regulasyon ng mga Muslim na matatagpuna sa Qur’an at Hadith base na rin sa Presidential Decree 1083 o ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.