Pinabulaanan ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na karamihang bakuna laban sa COVID-19 na binili ng gobyerno ay nanggaling sa bansang China.
Sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na karamihan sa mga bakuna na dumating sa bansa ay ‘yung galing sa mga western countries gaya ng US.
Dagdag pa nito na ang mga nagsabi aniya na may maraming bakunang nabili ang gobyerno na nagmula sa China ay kulang sa impormasyon.
Lumalabas aniya na mas maraming mga bakuna gaya ng AstraZeneca at Moderna ang nabili ng bansa kumpara sa Sinovac na gawa ng China.
Mayroong 40 milyong doses na Pfizer ang nabili ng gobyerno, 20 milyon ang Moderna at 17 milyon sa AstraZeneca ang nabili ng pamahalaan.
Desidido pa rin aniya ang gobyerno na maabot ang 54 milyon na target na populasyon na mabakunahan ng gobyerno bago matapos ang taong ito.