-- Advertisements --

Inihayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tututukan nito ang pagbuo ng mga mas maayos komunidad na dating kontrolado ng mga rebeldeng komunista upang pigilan ang mga ito sa muling pagbabalik sa mga lokalidad na ito.

Sa isang pahayag, sinabi ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. na ito ang kanilang magiging roadmap sa mga pagsusumikap na mapanumbalik ang kapayapaan.

Binigyang-diin din ni Torres ang kahalagahan ng Barangay Development Program (BDP) at Retooled Community Support Program (RCSP) bilang mga pangunahing paraan ng kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na dating apektado ng New People’s Army (NPA).

Tinitiyak din ng opisyal ang pinaigting na partisipasyon mula sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan sa pagbibigay ng kontribusyon sa nasabing mga programa.

Ang mga pagsisikap na ito ay bahagi ng kampanya ng NTF-ELCAC na hangarin ang pagtataguyod ng pagkakaisa, pangmatagalang kapayapaan, at napapanatiling pag-unlad sa bansa.

Nabanggit din ng opsiyal na ang pagtatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-ELCAC ay magdadala ng momentum sa mission ng naturang task force.
Top