Iginiit ng National Telecommunications Commission na ipinapatupad lamang nito ang batas kaugnay sa pagpapatupad ng SIM Registration Act.
Ito ang naging depensa ng komisyon matapos ang paghahain ng ilang grupo ng petisyon sa Korte Suprema kung saan hiling nito na ideklarang unconstitutional ang mandatory SIM registration.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, sa ngayon wala pa aniya silang natatanggap na kopya ng naturang petisyon.
Ngunit kasabay nito ay binigyang-diin niya na ipinatutupad lamang aniya ng komisyon kung ano ang nakasalig sa batas.
Kung maaalala, nitong Lunes ay pormal na humiling ang isang grupo na binubuo ng iba’t-ibang sektor sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang SIM registration dahil sa umano’y paglabag sa Article III Sections 1,2,3 at 11 ng 1987 Constitutions.
Samantala, sa ngayon ay aabot na sa 73,033,000 o 43.4% ng kabuuang SIM cads ang rehistrado isang linggo bago ang itinakdang deadline sa darating na Abril 26, 2023.
Kaugnay nito ay patuloy din aniya ang pagkikipagtulungano ng NTC sa iba pang ahensya at lokal na pamahalaan para sa pagtatatag ng mga SIM registration facilities sa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa.